Kailangan ba nating mag-ingay tungkol sa mga tinuran ni Teri Hatcher sa Desperate Wives kamakailan? Malacanang na ang nagsalita tungkol dito, at kinokondena ang sinabi ni Hatcher tungkol sa pagtatanong niya kung hindi kaya galing sa medical school sa Pilipinas ang ob-gyne na tumitingin sa kanya. Of course, script lang yun, so kung may dapat sisihin, hindi si Hatcher kundi ang scriptwriter. And then, sitcom ito e. Magre-react ba tayo sa sitcom? Kung ganun, tirahin na natin lahat ng pelikulang bumanat sa Pilipino sa napakaraming taong nakalipas.Marami na yun at dekada na ang inabot.